OPPORTUNITY WISE - BUHAY NG TAO

Thursday, January 11, 2018

OPPORTUNITY WISE

Sa panahon ngayon, PANAHON ng MGA Milenyal sabi pa nila, napapalibutan na tayo ng hindi mabibilang sa kamay na opportunidad. Bawat araw merong lumalapit sa atin at nag-o-offer ng good opportunity. Bilang tao ano ba ang inyong tugon pag nakasalubong kayo ng ganito? Ang iba deadma lang, pero ikaw ano ang reaction mo? 

Siguro kung ikaw uhaw  sa mga opportunity, mapaisip ka ITO NA KAYA ANG HINIHINTAY KO? Wala nakakaalam sa umpisa kung ang opportunity na ino-offer sayo ay yon na pala ang magbabago sa buong buhay mo. Ang importante pag-aralan mong mabuti ang opportunidad na ino-offer sayo. Kung halimbawa nakita mong maganda ito, huwag kang maging negatibo agad. Dahil ang pagiging negatibo ay walang maidudulot sa maganda sa buong buhay mo. Kung hangad mong mabago ang buhay mo, do the extra ordinary thing

Unfortunately, too many people will not do this. As they saying goes, More often than not, opportunity is disguised as hard work. Marami ang takot sa magagandang opportunity dahil inaakala nilang mahirap at matrabaho. YES, tama ka matrabaho at mahirap talaga pag gusto mong mabago ang buhay mo sa maikling panahon. Kung sa pagka alam mo magiging maginhawa ang buhay mo sa loob ng 30 years, napakatagal non hindi ba? Maaaring wala kana sa panahong iyon kaya para sa atin, bakit hindi natin pwede paikliin para ma enjoy pa natin ang mga araw habang tayo'y nabubuhay. Ang problema lang, ayaw nating mahihirapan. 

Mahihirapan ka talaga kasi pinaikli mo ang panahon, yong mga trabaho na gagawin mo sana sa loob ng 30 years, do-doblehin mo para within 5 years magiging matagumpay kana. Karamihan sa mga nagtagumpay halos hindi na natutulog, wala silang sinasayang na oras. Kaya para sa mga naghahangap na maging matagumpay, gawin nyo lang EXTRA ORDINARY ang nakasanayan nyo. Kung nakita nyo na ang magandang opportunity, grab it! Wag kanang magpa influence ng iba. Hindi ang iba ang gagawa ng lahat para sa ikakaganda ng buhay mo kundi ikaw mismo. Huwag mong iasa sa iba ang desisyon sa isang bagay kung hindi naman para sa kanila ang kaginhawaan na dala nito.

Karamihan sa atin pag may kumatok na opportunity, doon tayo nanghihingi ng advise sa mga kaibigan o kapitbahay natin. Laging nating tandaan ang opportunity na ipinapakita sayo ay maaaring hindi ito nakikita ng kamag-anak o ng kaibigan mo kaya dapat wag mong iasa sa kanila ang desisyon mo. Ikaw ang gagawa ng paraan paano sabayan ang opportunity para ikagiginhawa ng buhay mo at ng buong pamilya mo.

Kung sakaling walang opportunity na kumakatok sa pinto mo, wag kang mag-alala dahil ikaw din mismo ang magbubukas ng opportunidad na para sayo, sa pamilya mo at pati na rin sa mga kaibigan mo. Huwag maging mailap sa mga opportunity, kung sakaling kumatok ito o gumawa kana nito, wag matakot THINK ALWAYS POSITIVE, pag-aralang mabuti ang opportunity na pinapasok mo. Kapag nagamay mo, sigurado gagaan na ang trabaho mo, at siguradong gagaan din ang buhay mo.


No comments:

Post a Comment