Pagsubok ng Buhay - BUHAY NG TAO

Friday, January 26, 2018

Pagsubok ng Buhay

Good day po. Ito po ang kwento ng aking buhay. 6 kaming magkakapatid. 3 sa original na asawa  at kaming 3 sa magkakaibang ama kaya  isa akong illigemate child at bunso po ako.Last na Nakita ko tatay mga 5 years old ako. Lumaki ako sa kalinga ng lolo at lola ko dahil sa ang aking ina isang gala, happy go lucky ika nga. Ok naman buhay ko kaya lang ng mamatay ang lola ko. Doon naghiwalay kaming magkakapatid.. Nag asawa  lolo ko at sinama kami dalawa ng kuya ko ung ate ko sa isa sa tiyuhin. Sinama kami ng lolo ko at doon ko naranasan at natutong magtrabaho sa gawaing bahay. 

Sa edad na 8, tinuro ng stepgrandmother lahat ng gawaing bahay. Magtinda para may pera ako. Ganun naging buhay ko sa kanila. Nangarap ako na sana pag nag asawa ako magiging iba buhay ko. At yon na nga ikinasal ako sa edad ng 18.  Nag ka anak ako sa edad na 20. Ok naman buhay ko. .kahit lasenggero asawa ko, kasi tinutulungan ako ng ate ko.... Kaya isang araw nabigyan ako ng opportunidad na makapag abroad. Iniwan ko anak ko sa pag aakalang magbabago asawa ko.. Padala ako ng padala, akala ko may pupuntahan ang pinapadala ko, yon pala alak at babae lang napunta pinapadala ko. 

3 years ako sa abroad. At umuwi ako na napunta sa walaang pera ko. Ginawa ko nag apply akong  katulong locally pero foreigner amo ko. Medyo ok naman ang sweldo ko.  Dahil sa may alam ako tungkol marketing, pinagsideline ako ng bosing ko sa restaurant nila.. Bali dalawa work ko.. Nakapagpatayo ako ng maliit na bahay .. Medyo ayos na buhay pero di pa din nagbabago asawa ko.. Minsan pagod na pagod ka, pagdatingk ko asawa ko nakahilata lasing na lasing.. Nagdridrive pala ng tricycle asawa ko.. Ganun ang routine ng buhay ko..


Tumigil ako sa work kasi parang ako na lang ang nagpo-porsige.. Pinabayaan ko siyang kumita ng pera, nag kaanak uli nagbaka sakaling magbago na siya.  Isang araw dumating ang punto na di ko na kaya. May sakit anak ko hinihintay ko siyang umuwi para madala sa doktor,  pero inuna pa ang inom kesa sa anak na may sakit.  Dumating alas 11 ng gabi sigaw pa ng sigaw. Kina-umagahan dinala ko sa hospital anak ko, nangutang ako ng pera sa kapit bahay.  At lumayas ako na kasama anak ko na bunso at naiwan ko panganay ko. Pumunta ako sa kaibigan ko na di niya kakilala at doon  ako nagtago. Isang taon ako lumayo sa asawa ko. At sa pakiusap ng anak ko bumalik kaming mag ina. As usual wala  pa din pinagbago.. Kaya ginawA ko nakipaghiwalay ako at nag abroad sa tulong ng kapatid ko.. Hirap buhay sa abroad.. Nagtiis ako at pinapadalhan ko din ng pera asawa ko dahil sa mga anak ko.

Noong nasa abroad may naging text mate ako dito sa pinas. 2009 po un noong nag-college ang anak ko, siya ang pinapadalhan ko ng pera.  Nakatapos anak ko ng BSHRM. AKO  lang ang gumastos dahil may ibang asawa at anak tatay niya. 2010 umuwi ako ng pinas sa kanila ako tumuloy, sa textmate ko....ang layunin ay makilala siya at pamilya niya so far ok naman sila wala problema.. Noong naggraduate anak ko,  nag for good na din ako. Yong anak kong isa nasa ama niya.  Sa ngayon po dito na ako nakatira sa live-in partner/textmate at may alaga na kami na binigay sa amin dahil di po kami magkaanak.


Sa kasalukuyan nagwo-work ang anak ko sa isang malaking pizza parlor sa manila at yung isa kong anak naman nasa ama niya, pag baksyon  lang pumupunta dito sa akin. Masaya po ako kahit minsan madaming pagsubok sa buhay pero patuloy pa din akong nakikibaka sa hamon ng buhay..   Ang tangi kong pangarap pa, na sana mag-expand pa business ang ko at magkaroon ako ng pwesto sa palengke. Madaming salamat po God Bless

No comments:

Post a Comment