Never Look Down! - BUHAY NG TAO

Monday, January 15, 2018

Never Look Down!

Hindi nakakapagtaka kung ikaw ay isa sa mga minamaliit o isa ka sa nanlalait ng kapwa. Napakauso na kasi ngayon ang ganong kalakaran. Mas madaling manlalait sa kapwa kay sa tulongan silang makabangon kong sila man ay nadapa. Malaking kaibahan sa pag-uugali noon kompara sa pag-uugali ng mga tao ngayon. 

Gusto ng isang tao na sya ay laging bida kaya naghahanap ito ng paraan kung paano sya makaangat sa lahat. Sila yong mga taong tinatawag na GREAT PRETENDER. Napapansin ko, kung sino pa yong walang ipagmamalaki, ay sila pa yong mayayabang. Sila pa yong, laging nang-aapak ng tao. Hindi nila alam ang pinagdaanan ng isang tao pero animo'y pati kaluluwa ay nababasa nila. Hindi na ito bago sa ngayon, kasi alam ko malamang biktima ka rito o ikaw ay nangbibiktima sa kapwa.

Lagi nating isipin, BILOG ang mundo. Maaaring sa ngayon, araw mo pa, pero bukas makalawa, malamang nasa gabi kana. Hindi natin pwedeng e judge ang isang tao dahil lang sa kanyang anyo o katayuan sa buhay. Walang nakakabasa sa bawat tao at mas lalong hindi mo nakikita ang bukas ng bawat isa. Life is a constant change" sabi pa ng kanta ni Jose Mari Chan, which is totoo naman. Walang permanent sa mundo, lahat ay nagbabago. Nagbabago ang anyo ng isa bagay kahit matigas pa ito, nagbabago amoy at itsura ng tao. Lahat talaga may pagbabago kaya wag mong isiping ang pagkakataon ay laging para sa iyo.

Wag mong maliit ang kapwa mo lalo na't hindi mo ito kilala at lalong hindi mo alam ano ang pinagdaanan nito. Dapat mong isaisip na paano kaya kung ikaw ang nasa kalagayan nya. Nasasaktan ka rin ba? Kung Oo ang sagot mo, wag mong gawin ang binabalak mong masama sa kapwa. Lagi mong ilagay ang katayuan mo sa kanila para maintindihan mo kung ano ang meron sila. 

Napakadaling magbitiw ng salita pero mahirap gumagawa ng kabutihan sa kapwa. Ito na tayo ngayon, namumuhay sa mundo na may pagdurusa. Kaya para hindi mahalata, ang iba nalang ang ating inaalipusta. Mahirap gawin kapag hindi mo nakasanayan pero kung kabutihan ang hangad mo, kaya mo itong gawin alang-alang sa pagkatao mo at sa pamilya mo. 

Kahit yong mga taong matulungin at maaawain, hindi magawang mang alipusta ng kapwa. Marami ang makasarili, inuuna ang sarili bago ang kapwa. Minamaliit ang lahat wag lang ang kanyang sarili. Pero kung susuyurin pala ng mabuti mas malala pala ang pagkato nito kay sa mata nakikita.

Kaya paalala sa lahat, wag manghusga sa kapwa dahil tao ka lang din may kahinaan ta merong kakulangan sa sarili. Wag maging sakip sa sarili, handang dumamay at tumulong para sa ikakabuti sa kapwa. Tandaan lagi, kapag ikaw ay mabuti sa kapway, ikaw ay laging pinagpala.

No comments:

Post a Comment