YOUR JOURNEY - BUHAY NG TAO

Monday, January 8, 2018

YOUR JOURNEY

Kung may gusto kang marating, kailangan mong umpisahang maglakad. Hindi ka makakarating sa finishing line kung hindi ka nagsimula sa starting line. Lahat ng bahay ay may pinanggalingan.

Halimbawa nalang, gusto mong maging matagumpay na negosyante. Mangyayari ba ito sa isang iglap lang? Syempre hindi. Kailangan mo munang mag umpisa ng isang negosyo. Hindi naman kailangan sa pagsisimula ng negosyo ito'y malaking companya agad. Dadaan ka muna sa maliit na negosyo. Ang goal mo nalang ay paano ito palakihin.

Hindi matatawag na journey ang isang pangyayari kung hindi ka nag-umpisang humakbang mula sa iyong kinaroroonan. Ang pinaka importante sa lahat, para magawa mo ang isang journey sa iyong buhay, kailangan mo humakbang mula sa kinaroroonan mo ngayon. Wag mong ikulong ang iyong sarili, go out and make a single step to discover everything. Sa umpisa, mahihirapan kang humakbang pero sa patuloy mong paggawa nito, masasanay ka at hindi mo namamalayan, andon kana pala sa finishing line.

Applicable ito sa mga taong walang tiwala sa sarili. Laging iniisip na hindi nito kayang gawin ang isang bagay, kaya nanatili ito lagi sa kanyan kinatatayuan. Kung gusto mo ang isang bagay, lagi mong tandaan na napakaraming paraan para ito'y iyong makakamtan. 

Tingnan mo ang inyong paligid, sino ba ang mga taong umaangat sa buhay? Di ba sila yong mga taong hindi natatakot humakbang sa kanilang kinatatayoan? Oo walang nakakabasa sa ating hinaharap, lahat ay kailangan subukan para masasabi mo ito pala ang tamang daan. 

Tingnan mo si Henry Sy, sinong nakakaalam noon na sya pala ay magiging pinakamayaman sa Pilipinas. Ano ba si Henry Sy sa simula? May-ari naba siya ng SM? Hindi, nagtitinda lang si Henry Sy sa sidewalk, sa labas ng Mercury Drug. Sinong mayaman ngayon, si Henry Sy na may-ari ng SM at BDO o ang may-ari ng Mercury Drug kung saan si Henry Sy dati ay sumilong lang kay Mercury. Sa palagay nyo kung hindi sinubukan ni Henry Sy na magnegosyo sa sidewalk, magiging milyonaryo ba siya? Hinding-hindi talaga. Natatakot ba si Henry Sy na magsimula ng negosyo kahit hindi nya alam sa umpisa na lalago ito? Malakas ang loob ni Henry Sy, hindi siya natatakot whatever it takes. Basta ang alam nya, ginawa nya ang lahat para magawa itong tama. Nahihirapan ba si Henry Sy sa umpisa? Hindi siya nahirapan, kundi hirap na hirap siya. Nasa learning stage palang sya kaya ang dami din nyang napagdaanan na failure sa buhay.

Ganun dapat ang bawat isa, hindi natatakot na umpisahan ang isang opportunity na maaraing magpapabago sa kanilang buhay. Lagi mong ilagay sa isip mo ang salitang "WHAT IF, ITO NAYONG PINAKAHIHINTAY KONG OPPORTUNITY? Paano ko malalaman kung ito na nga o hindi kung hindi ko uumpisan o hindi ako sasali nito. Mahirap magsalita ng tapos na hindi mo talaga alam kung ano ang mangyayari sa unahan. Ang taong umaangat sa buhay ay sila yong mga taong hindi natatakot, mag-umpisa o sumasali sa mga opportunidad na kumakatok sa kanilang mga pinto. Kaya dapat, willing tayong gumawa na isang step upang hindi manatili sa ating kinanalagyan na alam naman natin na walang mangyayari kung doon tayo namamalagi. 

TAKE A SINGLE STEP NOW TO A VERY LONG JOURNEY OF YOUR SUCCESS!


No comments:

Post a Comment