Fear Of Change - BUHAY NG TAO

Wednesday, January 17, 2018

Fear Of Change

Never afraid of CHANGE


Marami ang takot sa mga bagong bagay. Nangyayari ito sa mga opportunity na kumatok sa ating buhay. Ayaw natin pasukin kasi kontento na tayo kung ano man ang meron tayo pero kung tatanungin kung gusto bang umasenso? Ang sagot ay Oo. Paano ka aasenso o magbabago ang buhay mo kung takot kang sumubok sa mga bagay na alam mong posibleng magpapayaman sayo? Sa panahong ito, kailangan mong sumubok para malalaman mo ang resulta nito. 

Ang dahilan kung bakit dumarami ang mga naluluging companya ay dahil napag-iwanan sila sa mga makabagong teknolohiya. Kailangan mo sumunod sa agos ng panahon. Paano ka makarating sa mga gusto mong marating kung ang ginagawa mo ay laging kasalungat sa naman sa tagumpay na gusto mo.

Halimbawa nalang, ang pagbabangka. Paano ka makakarating sa paroroonan mo kung ang takbo ng iyong bangka ay kasalungat sa ihip ng hangin. Siguradong tataubin ang bangka nyo kapag nagpupumilit ka. Kaya dapat sumabay ka sa ihip ng hangin para smooth ang iyong paglalakbay.

Sinong mag-aakala na mapag-iwanan ang NOKIA sa ibang mga bagong nagsulputang mga mobile phone companies? 60% hawak na cellphone sa buong mundo ay gawang NOKIA. Nasaan na sila ngayon, marami na ang hindi nakakilala sa kanila. Dahil yon sa over confindent, masyadong nilang nilalasap ang kanilang katanyagan at nakalimutan na ang pagbabago ng panahon. Nagising nalang sila sa isang iglap, wala na ang pinaghihirapan nila. Anong nangyari? Naibinta na sila sa iba at kulilat na hanggang ngayon ang mga cellphone na gawang NOKIA.

Kaya para hindi mapag-iwanan ng panahon. Siguraduhing sumunod sa agos ng hangin na maaaring makakatulong sayo papunta sa gustong pupuntahan -yon ay ang TAGUMPAY!

No comments:

Post a Comment