MAHIHIRAPAN KA TALAGA! - BUHAY NG TAO

Friday, January 19, 2018

MAHIHIRAPAN KA TALAGA!

Simula pa nong bata pa tayo, napagdaanan na natin ang hirap. Merong mga kabataan na galing sa poor family ang ang angkan nila tulad ko. Hindi madali ang buhay kapag ikaw ay mahirap. Alam kung lahat na tao na galing sa hirap ay makapagtotoo na ang buhay ay hindi madali at talagang nakakapagod kung minsan.

Kahit na yong maswerte at naging anak mayaman ay dumaan din sa hirap. Kung hindi man sa pera malamang sa ibang bagay napagdaanan din nila. Maraming mayaman na hindi masaya dahil sa kani-kanilang mga problema. Kung naging anak ka nila, siguradong nahihirapan ka.  Sabi nila maswerte daw ang mga mayayaman kasi hindi na nila problema ang pera. Malaking OO ang ang sagot non. Pero hindi naman masusukat sa dami ng pera ang kaligayahan ng tao. Kaya bale wala nalang din para sa kanila ang kayaman nila. Marami din ang nagsasabi na buti pa yong mahihirap kasi nakakagala ng libre na walang iniisip na maging treat sa kanilang security.

Pero in my own opinion, mas maganda yong mamuhay ng katamtaman lamang o living an average way of lifestyle. Hindi mahirap mas lalong hindi rin mayaman. Tamang-tama lang ang meron na nakaka sustain ng araw-araw ng pangangailangan. Walang problema sa pera at mas lalong walang problema sa security. Pero pinaka importante sa lahat, kahit na walang-wala kayo basta OK lagi ang kalusugan mo ang ng buong pamilya ninyo. I believe in saying "Health is Wealth".

Mahirap maging FAMOUS o maging kilala at tanyag. Lalo na kung nag-uumpisa ka sa wala o starting from scratch. Lahat na ata ng hirap kailangan mong pagdaanan kung gusto mong maging matagumpay sa lahat ng iyong laban. Ang sarap pakinggan pag ang nagsasalita sa iyong harap ay ibinahagi ang kanyang sobrang hirap na karanasan bago nya natamasa ang kinalalagyang tagumpay. Siguro mapapansin nyo na karamihan sa kanila ay may halo pang luha at sipon habang ibinabahagi ang kanilang karanasan. Yong tipong dugo't pawis ang pinuhunan para lang makamtan ang kanilang pinapangarap.

WORK UNTIL YOU NO LONGER HAVE TO INTRODUCE YOURSELF. Simpleng salita pero may malalim na kahulugan. Ito'y tumutukoy sa mga pinagdaanang hirap ng isang nilalang. Isang halimbawa nito ang mga policitian, businessman, actors at iba pa. Sa umpisa maaaring hindi pa sila kilala pero kapag nagtagumpay na, ni anino nila nababasa na ng mga kanyang tagahanga. May kilala kabang naging tanyag na walang pinagdaanang hirap? 100% sure ako na wala. Kasi lahat na kilala natin ngayon na masasabi nating matagumpay na tao ay nagsimula din sa walang-wala at walang nakakilala sa kanila. Hindi biro ang pinagdaanan ng mga nagtagumpay lalo na sa larangan ng negosyo.

Lahat ng mga mayayaman na hindi naghihirap ay mga pamana lamang ng kanilang mga magulang o mga kamag-anak. Pero yong mga naging mayaman dahil sa sipag at tiyaga, alam nila gaano kahirap ang buhay bago ka magtatagumpay. Kung dati gusto mong magpakilala nong walang-wala kapa, ngayon naman matagumpay kana ayaw mo na naman laging nasusundan ng mga mata kung anong meron ka at anong pinaggagawa mo. Ang buhay ay walang halaga, meron ka man o wala kapag wala kang pananalig sa KANYA. Higit sa lahat, importante pa ring malapit ka sa kanya, mayaman ka man o mahirap, famous ka man o hindi, dahil SIYA lamang ang nakapagbibigay sa lahat ng PEACE OF MIND sa oras ng iyong pag-iisa.

No comments:

Post a Comment