Kakayanin Mo Ang Lahat - BUHAY NG TAO

Wednesday, January 24, 2018

Kakayanin Mo Ang Lahat

Magandang araw sa po sa lahat ng readers dito sa blog na INSPIRATION and MOTIVATION, itago nyo nalang po ako sa pangalang libra girl, tubong leyte pero sa bulacan na ako lumaki. Isa akong single mom, I have two kids ages 11 and 7 years old. Anak ko sila sa mgkaibang ama, but before nyo po ako i judged read my story muna....
I was in grade school that time nang makilala ko ang unang lalaking nagpa roller coaster ng buhay ko. Tawagin nalang natin syang si Mr. MJ, elementary pa lang kami crush ko na sya, pareho kami ng school n pinapasukan, matangkad sya, tsinito at may pagka suplado. Mabibilang mo nga lang ang ngiti nya. Pero ang advantage saken bestfriend ko ang kapatid nya kya anytime welcome akong pumunta sa knila. Wala ng mama c Mj at tanging papa nalang nya at mga ate ang kasama nya sa buhay. Nag-iisang lalaki din sya sa kanilang magkakapatid.
Dumating yong time na lahat ng favorite nya inaalam ko na, habang tumatagal lumalalim ang paghanga ko ky Mj. Alam kong nararamdaman ni Mj na crush ko sya that time pero lagi kong naririnig sa kanya na ayaw nya sa babaeng nghahabol ng lalaki kaya naman patay malisya ako kapag nasa bahay ako nila. Palihim kong tinititigan c Mj..Hayyy ang gwapo talaga nya, ang laging pumapasok sa isip ko. Hanggang isang araw sa kakatukso sakin ng bestfriend ko, di namin namalayan na nasa likod pala namin si Mj, mula noon todo iwas na sya sakin. 
Nasasaktan ako sa pag iwas nya, hanggang sa nagtapos ako ng high school c Mj pa rin ang gusto ko. Pero ang masakit my naging girlfriend na sya, may nanliligaw naman sakin pero tanging c Mj lang ang gusto ko non. Nadagdagan pa ang lungkot ko ng malaman ko sa mama ko na hindi na nila ako pagpa aaralin ng college. Kuya ko nalang daw muna tutal babae naman daw ako. Mas priority nila ang kuya ko dahil bukod nga naman sa valedictorian sya scholar pa sya ng mayor namin. Umiiyak ako nong time na yon, gustong gusto ko mg aral, minsan ngtatampo ako sa papa ko dahil sa pambabae nya kya lahat ng meron kami nawala, yong van sana namin na pinampapasahero naibenta din dahil nagkasakit si papa ng kidney sa bato. Pero ayos lang din dahil gumaling naman sya.

Sa kagustuhan kong mgpatuloy ng pag-aaral sumama ako sa kaibigan ko, namasukan ako bilang kasambahay, ang lakas ng loob kong mamasukan non kahit ni magsaing hindi ako marunong. Mabuti nalang mabait ang naging employer ko, pumayag syang mg aral ako ng college lahat ng gagastusin ko ibabawas sa sweldo ko, pero lahat ng bawal andun pero sabi ko Ok lng basta magtapos lang ako kakayanin ko lahat. Sobrang hirap maging working student yong tipong ginagawa mo ng araw ang gabi magampanan mo lang lahat ng trabho mo.

I'm taking up BSBE major in Math. Kaya naman super busy na talaga ako non, nakalimutan ko si Mj ng mga panahong yon. Nagkaroon din ako ng boyfriend pero di rin ngtagal naghiwalay din kami dahil wala daw akong time sa kanya. Ang hirap kasi pagsabayin ang trabaho, aral at lovelife kaya naman di ko na rin siya pinigilan pa. 

And then, christmas non.. bigla akong na excite at umuwi kasi gusto kong makita si M,j kung kumusta na siya, kung ano na buhay nya at marami pang iba. Di pa kasi uso facebook non, ang uso palang non ay friendster. Nabalitaan ko sa bestfriend ko na pag alis ko din daw nag break si Mj at ang gf niya, bigla akong napa kunot noo non kung bakit... pero di na ako ng usisa pa, nasa labas ako ng bahay namin non tumambay nang my narinig akong boses na ngsabing "ganda mo na ngayon ah, kumusta kana?" 

Paglingon ko si Mj! Di ko alam pero biglang kumabog ang dibdib ko nun, lalo syang gumo-gwapo sa paningin ko, samahan pa ng ngiting may mga maliliit na dimple sa mgkbilang pisngi.  Pero ewan ko ba totoo nga yata ang love at first sight..nung gabi n yon haba ng napagkwentuhan namin, inamin niya sakin na gusto na daw nya ako noon pa, yun nga lang ayaw nya ako taluhin dahil tropa sila ng kuya ko. At yes naging kami po ni Mj, naging masaya kami kahit long distance relationship lang ang meron kami non, kapag day off ko nagkikita kami ni Mj. To makethe long story short nagtapos ako ng college sa awa ng Dios, pero kasabay nun nabuntis din ako. 

At nung mga panahona yun away bati na kami ni Mj, madalas na kami mag-aaway at ang rason busy daw ako at ang layo ko sa kanya. Tutol ang mgulang ko ky Mj dahil wala naman daw permanenteng trabaho ito. Pero naging matigas ako, mahal ko si Mj kaya sinuway ko ang mgulang ko hanggang sa nabuntis ako. Diko alam ang gagawin ko nun. Pero agad kong tinawagan si Mj at sinabi ko na buntis ako akala ko matutuwa sya sa halip nagagalit pa siya sakin at  minura pa nya ako.

Sabi nya di daw sa kanya yun, wag ko daw ipasa sa kanya at hanapin ko daw ang lalaking nambuntis sakin..nung marinig ko yun halos ikamamatay ko na. Para akong pinagtakluban ng langit at lupa. Tanging nasabi ko nalang sa knya na hindi ko sya pipilitin. Sobrang sakit pero kinaya ko at umuwi ako sa amin, inamin ko sa mga magulang ko ang sitwasyon ko noon. Syempre galit na galit sila at agad na pinatawag si Mj at dun napag usapan na mamanhikan daw sila. Umayaw ako dahil alam kong labag sa loob ni Mj yun. At sabi pa ng mga ate nya pagka labas ng bata ipa DNA test daw para malalaman kung kay Mj daw talaga yon. 

Grabe, sobrang sakit at lalo akong nanindigan na di ko ipapaako kay Mj kahit sya pa ang ama ng anak ko. Nakapanganak ako ng maayos sa tulong ng magulang ko, habang lamalaki ang anak ko nagiging xerox copy na ng mukha ni Mj ito at dun inangkin na nila na pamangkin daw nila ang bata sabi ng mga ate ni Mj. Kahit c Mj nakiusap at ngamakaawa na makarga man lang nya ang anak ko. Pero d ako pumayag, pagkatapos ng lahat lahat ganun nalang. 

Sa ngayon nakapag asawa n si Mj at tatlo na ang anak nya at masaklap pa kapitbahay lang namin sila sa bulacan. May mga time na nagme-message sakin c Mj kinukumusta ang anak ko pero deadma na ako, alam rin ng anak ko na papa nya yun di ko naman nilihim sa knya yun pro dahil na rin sa di nya nakalakihan, lagi nyang sinasabi sakin wala siyang papa. Halos madurog ang puso ko  hanggang sa unti-unti kahit magkasalubong sila ng papa niya deadma nalang din nya ang ama niya dahil yun rin naman pinapakita ni Mj sa knya. 

Hanggang nag 5 years old ang panganay ko nagkaroon ulit ako ng panibagong karelasyon, gusto ko kasing tumigil na sa pagtatrabho at maalagaan ko anak ko kaso malas ata ako. Niloko ako ng pangalawa kong bf nung sinabi ko na buntis ako inamin nya sakin na malapit na siyang ikakasal sa gf nya sa dubai. Ipalaglag ko nalang daw ang bata. Walang pamaalam na umalis ako at dina muli pang nagparamdam sa pangalawang bf ko. Sa ngayon andito ako sa Navotas malayo kay Mj, kasama ko yong mga anak ko at diko pinagsisihan na nagkaroon ako ng kukumpleto ng pagkatao ko. 

Diko na rin sinubok ang makipag relasyon pang muli. Isa pang rason, dalagita na anak ko ngayon, mahirap ng magtiwala pa. Kasama ko rin ang kapatid ko na pinag aaral ko ng college. Kahit sobrang hirap maging 2in1, papa na mama pa. Kinakaya ko, nagpakatatag ako ngayon para sa dalawa kong anak. At tanging sila lang kumpleto na ako. Mgtiwala lang sa Dios makakaya mo lhat. Naway may napulot kayong aral sa kwento ng buhay ko. Maraming Salamat!

No comments:

Post a Comment