Langit Na Walang Hagdan - BUHAY NG TAO

Wednesday, January 24, 2018

Langit Na Walang Hagdan

Ako si Andres unay Jr pinanganak sa CATBALOGAN,Samar at lumaki sa sta.margarita,Samar.
Tatlo po kaming magkakapatid 2 lalake 1 lang ang babae sa ama,pitong taong gulang ako noon ng mamatay tatay ko dahil sa labis na pag inum ng alak.

Kinuha kaming magkakapatid ng Tita at dinala sa state.margarita kung saan doon naninirahan Tita namin,pinaaral kaming tatlo subalit dalawa kong kapatid ay nahinto dahil sa kalupitan ng Tita namin.
Sinisigawan kami kapag Hindi maayos ang aming ginagawa,ginigising kami ng maaga upang mag igib ng tubig,minsan naisip ko sa sarili ko paano kaya kung buhay pa tatay ko gigising kaya kami sa kalagitnaan ng gabi,tumutolo nalang luha ko dahil gusto kong makatapos ng pag aaral kasi Yan naman pinangako nya sa tatay ko patapusin kami.

Para kaming mga preso sa bahay nila para kaming mga robot Hindi nakakalaro wala kaming kaibigan walang barkada,kapag lumalabas kami ng bhay pagdating naman sa bahay kinukurot ang tainga namin hanggang sa dumugo.

Lumayas dalawa kung kapatid dahil Hindi nila kinayanan kalupitan ng Tita ko.
Sumunod nman ako lumayas ako sa Tita at bumalik sa CATBALOGAN,kung saan nandon mama ko,nag apply ako ng trabaho hanggang sa matanggap ako bilang isang security guard,masaya ako bilang security guard kahit maliit lang sahod 3000 lang buwan ko noon,kahit mura masaya naman,hanggang sa nilipat ako sa mataas na sahod,sariling sikap ako para mabuhay dito sa mundo,naisip ko wala akong mga magulang mama ko walang pakialam sa akin dahil mahirap lang kami,natutulog sa isang kubo ilaw lang gamit namin,isnisip ko bakit pa kaya ako pinanganak na ganito magiging buhay ko,sa ngayon nag apply ako bilang job order dito sa Samar state university napalad na nakuha ako,masaya ngayon sa piling ng aking anak at asawa.

No comments:

Post a Comment