LUBID - BUHAY NG TAO

Wednesday, January 24, 2018

LUBID

I got married at 18 sa 2months ko palang na bf.hindi dahil sa buntis ako.gusto ko lang magkaroon ng sariling pamilya na feeling ko wala ako.hiwalay kasi parents ko at may kanya kanya ng pamilya.sadly nag iisa lang akong anak nila.mabait naman kasi.responsable.ayaw ng mama ko sa kanya kasi construction worker lang sya .pero sabi ko ok lang yon as long as responsable naman sya.6 months na kaming kasal ng unti unti lumalabas na ugali nya.(totoo nga na di mo malalaman tunay na tunay ugali pag di mo na kasama sa bahay)minsan umuwi sya ng lasing.sinira nya lahat ng gamit namin tinutukan ako ng kutsilyo.wala ako nagawa kundi tumakbo pauwi samin.sinundo,nag sorry so ayun ok nanaman. mabait naman talaga sya.wag pang malalasing.

Hanggang sa 20yrs old na ko nabuntis.akapa ko magbabago na.pero ganon pa din.mas lalong lumala pananakit nya pag lasing.pati anak ko takot na pag alam nyang lasing papa nya.nagtatago na sa sulok o magyayaya na dun kami matulog sa bahay ng mama ko.pero dahil ayoko mawalan ng tatay ang anak ko nag tiis ako.dahil ayoko masira ang binuo kong pamilya.hindi ako nag susumbong kahit kanino dahil ayoko mapaman ng iba na may problema sa pagsasama namin.yung tipong idealistic na family.tumagal ng 9yrs naging dalawa na anak namin.dumating na ko sa point na ayoko na talaga.di ko na kaya.dahil pati mga anak ko tinutukan na nya ng kutsilyo at sinabing papatayin nya kami.takot na takot na ko para samin ng mga anak ko.

7 yrs old na panganay ko non kaya hanggang ngayon natatatandaan nya.kaya non nakipag hiwalay na ko sa kanya.nakiusap sya na sya nalang ang aalis ng bahay at bibisita nalang sya pag wala syang pasok.nabalitaan ko napang kung sansan sya nagliliwaliw.kung sansan sya nakakarating.kasama mga kasamahan nya.(office boy na sya.pinasok sya ng father ko sa company nila).as in nag buhay binata.so hinayaan ko lang.pero sa sarili ko iniisip ko sana gumawa naman sya ng effort para mabuo ulit pamilya namin o ipakita nya na nag sisisi sya sa mga nagawa nya.pero hindi eh.So ayun. May 2010 sabado,umuwi sya sa bahay at gusto nya magsama na kami ulit.pero desidido na ko na ayoko na.tinutuka. nanaman nya kami ng kutsilyo at papatayin nya daw muna kami saka sya magpapakamatay.kinausap ko sya ng mahinahon.sabi ko bigyan pa ko ng oras.

Kasi hindi pa ko handa.siguro naawa sa mga anak nya.sa takot ko na baka ano gawin nya samin ng mga anak ko.umalis kami ng bahay at umuwi kami sa bahay ng mama ko.nung nandun na kami sa bahay ng mama ko,tumawag sya sakin.nag sorry sya.kinausap nya panganay ko.nag sorry din sya at sinabing mahal na mahal nya kami.sorry sa lahat ng nagawa nya.kinabukasan sunday, tumawag sakin kapitbahay namin at sinabing wala na daw asawa ko.

Natagpuan naka bigti sa bahay namin. Sabihin na ng iba na bato puso ko.pero sa sarili ko di ako nakaramdam ng pagsisisi o sakit. Kasi kung di kami umalis baka kung ano nagawa nya samin ng mga anak ko.akala ko don na matatapos ang sakit. Alam naman natin ang mga tao mapang husga.pag nagakamatay ang lalake sasabihin baka may ibang lalake si babae. Sabi ng mga hipag ko hayaan nalang at wag na ko magsalita.igalang nalang daw ang alala ng kapatid nila.so ayun nga nanahimik nalang ako kahit ganun iniisip ng ibang tao.pero atleast pamilya ng asawa ko alam nila ang totoo.at lalong sa sarili ko malinis ang konsensya ko.pagkalibing ng asawa ko balik sa reyalidad.hindi ko alam pano ko mag uumpisa.

Plain housewife lang ako.as in di nakaranas mag trabaho.nakiusap ako sa mama ko na iwan sa kanya mga anak ko.nangatulong ako naging silbidora sa kainan.hanggang sa may isang grupo na kumain sa pwesto namin.inalok ako ng trabaho.at ayun 2months palang ako sa trabaho nakuha ko na mga anak ko.nakabukod kami ng bahay at nangungupahan.ngayon awa ng dyos naka bangon ako at nakaya ko.nakakapag aral mga anak ko na hindi umaasa sa iba.laking pasalamat ko sa USAPANG PERA AT IBA PA! blog kasi sa twing alam ko na mashoshort ako.sa mga blogs ako naghahanap ng mahihiraman.kasi di tayo pwedeng umasa sa ibang tao.Kahit sa kamag anak nga hirap tayo umutang.sa ibang tao pa kaya?pero syempre ang pag utang ay may kasamang responsibilidad.maging responsable tayo sa pag utang.kasi lalo natin hindi maeenjoy ang buhay dahil sa araw araw siguradong iniisip nyo kung pano babayaran ang nautang nyo.

No comments:

Post a Comment