Kirot ng Kahapon - BUHAY NG TAO

Wednesday, January 24, 2018

Kirot ng Kahapon

ANG KWENTO NG BUHAY KO

Ako si Malou, 23 taong gulang , laking Iloilo City. Ako ang bunso sa sampung magkakapatid.

Uumpisan ko ang kwento noong nag-aaral ako ng sekondarya , 2nd year high school sumali ako sa gang gang na yan, hindi na ako medyo nagpapasok para lang makapunta sa hide out ng grupo. Doon palaging may inuman , kasiyahan , at magagawa mo kung ano ang gusto mo. Umuuwi ako sa bahay ng nakainom pero hindi halata ng nanay ko, ilang linggo rin na ganyan ginagawa ko hanggang sa naging card day na , bumagsak ako sa lahat ng subject ko at pinatawag ng guro ko ang parents ko at sinabi na di ako pumapasok, isang beses daw noong pumasok akong late sa classroom at amoy alak pa.

Pinapaaral naman akong mabuti ni nanay , kayod sya ng kayod , wala na nga akong ibang ginagawa kundi kain , tulog at naging perwisyo pa sa kanya.

Dumating ang time na nakilala ko si Bellie Jhun , isang gangster ,  war freak at talagang matapang . Naging bahagi sya ng buhay ko, parati nya akong sinusundo sa school , Boto naman kasi pamilya nya sa akin at siya din sa pamilya ko kaya kahit 3rd year high school pa lang ako nag live-in kami habang nag-aaral ako, nag improve mga grades ko at nasiyahan naman si nanay.

Isang beses sa labas ng classroom hinihintay ako ni KEN ung nagka crush sa akin , nag-uusap lang naman kami tungkol sa darating na palabas ng paaralan ng dumating nga si BELLIEJHUN , laking gulat ko at tinutukan nya bigla ng baril sa ulo si KEN at sinabing "layuan mo asawa ko kung ayaw mong basagin ko yang bungo mo", Un ung umpisa ng kalbaryo ko sa kanya . Tumigil ako sa pag-aaral dahil nabuntis ako , nagkaroon kami ng anak na lalaki sa edad kong 17years old, Sa simula maayos pa pero nung tumagal parati na kaming nag-aaway sa simpleng bagay , ayaw nya kong pasuutin ng maikling shorts , khit kapatid nya pinagseselosan nya .. At dumating sa punto na sinasaktan na nya ako. Hindi ko na pinatagal pa , masakit man pero kailangan kong mkipaghiwalay sa kanya. Tama na rin ung 3 years na pagsasama naming dalawa ..


Marami ng nagbago pagkatapos nang paghihiwalay namin ni Bellie Jhun , naging masama ugali ko, naging matigas na mukha ko hanggang sa natuto akong gumamit ng ipinagbabawal na gamot .. kung saan-saan na ako napadpad , wala na sa isip ko ung anak ko, iniisip ko nlng non wala na akong kwenta, sinira ko buhay ko... ng dahil sa bisyo nakilala ko si NONOY.. tall and handsome, nainlove na lang ako bigla sa kanya, nasa 40's siya at ako 20's pa lang at ang pinakamasakit may asawa pa sya .. naging mistress ako sa loob ng isang taon , pag iniisip ko yong sitwasyon namin tumutulo nalang luha ko . Alam ko naman mali ung pinasukan ko pero ang hindi ko lang alam bakit hindi ko siya kayang iwanan .

Pinauwi ako sa bahay at pinakiusapan ako na kailangan ko daw pumunta sa school ng anak ko kasi pag-uusapan ang family day . Nung pumunta ako sinabihan ako ng guro ng anak ko na isa ako sa representative ng school upang sumayaw sa darating na family day. Napaisip nalang ako na kahit dito nalang makakabawi ako sa anak ko at magkasama kami.

Habang nagpa-practice nakilala ko ang trainor namin c BONBON, naging inspired akong sumayaw... pagkatapos magpractice hinahatid ako ni Bonbon sa sinaskyan ng tricycle. Ilang linggo na Practice ng practice at hindi na ako nakakapunta kay Nonoy, yun ang dahilan bakit wala na akong gana pumunta kay Nonoy dahil sa practice ," sa practice nga ba ? O kay Bonbon" ?

Sa pagtatapos ng family day naging open kami ni Bonbon sa isa't isa hanggang sa nanligaw na nga sa akin at naging kami.


Hangang ngayon kami parin, may mga pagsubok man sa aming relasyon nalalampasan pa din namin. Ngayon may isa kaming magandang anak. Alam ko sa puso't isip ko siya na ang lalaking papakasalan ko.

Naging mababa man tingin ng mga tao sa akin noong una, heto ako ngaun nagbago na.

Hindi man ako nakapagtapos ng sekondarya sobra pa sa diploma, ang mabigyan ng dalawang anak na gwapo at maganda.

No comments:

Post a Comment