Huwag Kang Sumuko - BUHAY NG TAO

Wednesday, January 24, 2018

Huwag Kang Sumuko

Hindi ko alam paano sisimulan ang kwento ng aking buhay pero susubukan ko. Tawagin mo nalang akong Yurie at tubong Laguna. Grade 2 elementary palang Broken family na kami. Kinder ako nuon ng mag decide na mag abroad ang papa ko at naiwan kami,  dalawa kaming mgkakapatid at mama ko sa side ng lola ko sa aking mother side. Nung una ok pa at deretso ang sustento ng papa ko, palagi rin ng papadala ng voice tape pa noon si papa. 2 years sya nawala.

Then bigla nalang siya dumating ng wala kaming alam. Masaya nakasama ulit namin papa namin...pero ngtaka nalang kami pagkatapos nia makapagpagawa ng bahay namin at makabukod umalis nalang sya bigla at hindi n bumalik..wala kaming narinig ky mama kung asan na c papa dahil nga sa bata pa kami hndi pa kami marunong maghanap o magtatanong, tanda q pa nuon na grade 2 ako..madaling araw ng umalis kami sinama kaming magkapatid ng mama namin lumuwas ng maynila sa isang lugar n puro bus..un pla sa buendia terminal, dun na pala ng wowork ang papa namin as a bus driver dahil umaga palang andun na kami. 

Maghapon kami naghintay kay papa, kalaliman na ng gabi nun nakatulog na kami sa isang bus na gumarahe na. Nagising nalang kaming magkapatid ng marinig namin na may umiiyak na malakas. Yon pala ang mama namin...pinag susuntok ni mama c papa sa dibdib at nag sisigaw. ng...."walang hiya ka!!!! kaya pala hindi kana umuuwi, kinalimutan mo na kami mga anak mo, dahil my kinakasama kanang ibang babae. "kita kita ko at naalala ko ng bigla nalang dumapo ang kamay ng papa ko sa pisngi ni mama. 

Sa naririnig namin nun ..bigla nalang tumulo ang luha ko. Nag-iiyak na kaming dalawang magkapatid, ang ingay ng loob ng bus sa mga alingawngaw ng mga hagulgol namin. Hindi ngsasalita si papa, hanggang bumaba si mama ng bus at pinuntahan kami ni papa sa bandang dulo ng upuan at niyakap, pilit na pinatutulog..pero ewan ko ba hindi maputol ang iyak namin magkapatid. Maya maya dumating si mama amoy alak sya,my dala bote ng gin at binasag nia yun sa harap ni papa..at ngtangka mg lalaslas ng pulsuhan, muli nanaman umalingawngaw ang aming iyakan, kinakabahan nkaiki awat kami sa kanilang dalawa ni papa at mama, at sa wakas na agaw ni papa ang basag na bote. 

Nanghihina ,umiiyak na umupo c mama ,nglalabas na ng sama ng loob kay papa, sa nangyayari sa kanila, na sana daw hindi na sya pumayag mag abroad si papa kung alam niya lang na masisisra ang pamilya namin, duon namin narinig ang kwento kung bakit sya hindi na umuuwi ng laguna, sa abroad palang pala ngkakilala na sila ng babae nia,nagkikita na sila, at hanggang pag uwi sabay sila at nagsama na matapos mapatayo ang bahay. Nakipaghiwalay na si papa at ngbitaw na ng salita na hindi na uuwi kahit kelan. May mga salita pa ako naririnig na kaya nia nagawa ang makipagrelasyon sa iba ay dahil my nagsumbong daw sa papa ko na may iba na dawng lalaki c mama. 

Hindi ko alam, noong panahon na yun naguguluhan kami, ako...hindi alam kung ano ang totoo, nag paalam c mama, iniwan kaming dalawa mgkapatid kay papa kinabukasan kasama kami bumiyahe ng bus na minamaneho nia. Inihatid kami sa tito namin at narinig nalang namin na iuuwi kami ng visayas, hindi kami pumayag, nag iiyak kami..siguro naawa si papa kinontak ang lola namin para sunduin at yun na nga sinundo kami ng lola namin at muli inuuwi ng laguna, pero pag uwi namin wala na si mama, hindi na rin nag paramdam si papa, "naulila n kami sa mga magulang"

Mula noon c lola n ang tumayong ama't ina sa aming dalawang magkapatid, ang lola ko ay isang branggay AID "taga walis ng kalsada" at sa sahod nia nuon na 1,000 kada bwan pinagkakasya nia samin dalawa at pagkain namin sa araw araw, 2 piso minsan walang baon sa skwelahan, kape lang almusal sa umaga, sayang ang bigas kung kakain kami sa umaga, na para na sa pangtanghalian, pag meron medyo masarap ulam at pag wala masarap na sa amin ang kumain ng ulam ay tubig at asin, o tubig at asukal, minsan itlog, umabot ang gnun pamamalakad n pagpapalaki sa amin magkapatid, natuto sa lahat ng gawaing bahay sa murang edad na nakasanayan nanamin, ng walang paramdam na mga 'magulang'.

Naka graduate na aq ng elementary, 1st year highschool pag tuwing sabado at linggo ng lalabada ako sa kapit bahay namin na parang tulong narin samin at tuwing bakasyon ng papaupa ako sa bundok.."nagtatali ng kamatis" 200 ang isang araw nuon buong dalawang buwan inuubos ko oras ko sa pag bubundok andun ang pangingitim at pagkapit ng patda ang kamatis sa kamay, para my panggastos kami ng pag aaral, at kapatid ko naman lumuluwas sya tuwing linggo sa terminal ng bus para mag walis, 10 pesos o 15 pesos isang bus malaki pa ang halaga nito nuon. Nag luluwas luwas narin kami nun ng mga gulay sa bicutan, para ibenta. 

Kaya  14 years old palang marunong na kami lumuwas ng maynila at duon mas nasuportahan ang pag aaral namin dahil kinukuha lang namin sa bundok ang mga gulay na binebenta sa maynila, pero pagsapit ng 3rd year highschool, medyo ng iba ang takbo ng buhay q, dahil naka kilala na aq ng mga kaibigan, barkada, umabot sa natuto aq uminom ng alak sa murang edad, naging iba ang ugali q, natuto aq maglayas, magsinungaling, umuwi ng bahay ng nakakinom, at sumagot sa lola namin...un ung mga bagay na pinagsisishan q ngaun, na kung wala c lola wala rin kami ngaun, at the same time nagkaroon kami ng kontak sa papa namin, si mama ng asawa na ulit, nagkaroon ng dalawang anak, iniwan din kay lola, so apat na kami, si mama umalis na ulit ng walang paramdam, nag desisyon kami sumama magkapatid sa papa namin, dahil akala nmin, medyo magiging maayos na ang buhay namin, pero nagkamali kami. 

Dun namin naranasaa ang pang aapi ng madrasta, un ung babae na nakilala na nia nung panahon nasa ibang bansa sya, sa sobrang higpit at handi na makatarungan ang trato nia s amin, umabot sa sinasaktan na kami ,mga pananakot na dinanas nmin. Umabot narin sa punto na sinasaktan na aq ni papa. Bumuo sa isip q ang maglayas, umuwi aq ng laguna humingi ako ng saklolo sa lola ko na kunin ang kapatid q , sinumbong ko lahat ng dinanas namin dahil hindi ko na kaya, sa murang edad marunong na ako mag luwas luwas ng manila, dhil nuong ngtatanda pa kami ng mga gulay sa maynila. Mula nuon wala nanaman kami kumunikasyon sa papa namin. tinulungan q sarili q para makatapos ng high school dahil lagi ako kasama sa top 10. 

Graduating na aq ng ngka 1st boyfriend ako pero kay saklap naman ng buhay ko pati sa lovelife ko, broken parin. Same  year nkilala q 2nd bf q, hulog n hulog talaga ang loob q sa kanya kasi sya sumalo sakin ng time na down na down ako, na naisip q na mgpakamatay, nag lalaslas aq ng pulsuhan q, dahil wala na aq maisip na nag mamahal sa akin. Pero ayaw sakanya ng lola q halos ayaw na ako palabasin ng bahay nakakulong lang sa kwarto pagkagaling sa school, dahil sakanya q lang lahat naransan ang kasiyahan, pag aalaga at pagmamahal, kaya naisip q nuon na hndi ako papayag na magkahiwalay kaming dalawa, kaya mismo araw ng graduation ko, nakipagtanan ako sa kanya, 15year old ako, ng nagsimula na kami mgsama after 6 months nag-iba na takbo ng pagsasama namin, pinagtaasan na ako ng kamay, madaling salita, binubugbog na nia ako..hndi na sya ang dating nkilala q, naging kabaliktaran na ng lahat ng ipinakita nia sa akin nuon...hanggang ng 2 taon kami 17 years old na ako ganun ang pagsasama namin, away ng away, niyaya ako magtrabaho ng pinsan nya at natanggap naman ako hangang isang buwan lang extra isang waitress  ng carinderia sa macalelon quezon. 

Dahil wala siyang trabaho, pakain kami ng magulang nia, nahihiya na ako..pero di ko kaya mkipaghiwalay nuon tinitiis ko lahat ng pagmumura nia, pambubugbog nia sakin dahil mahal na mahal ko sya nakatatak parin sa isip ko na sya nag ngligtas sa akin nuon, kaya magtitiis lang ang magagawa ko..kaya sinungaban q narin tong trabaho.kada sahod lingguhan ngpapadala ako, pero na kakilala ako ng isang kaibigan, ewan q nahulog ang loob q sakanya, regular costumer sia kumakain sa carinderia, isa syang driver ng dumtruck...kaya ang isang bwan n extra pag tratrabaho ay na extend pa hanggang 3 buwan, tawag text na ang ka live in partner q pinapauwi na ako, pero kung bakit anong dahilan ayoko na umuwi. Siguro dahil sa isang kaibigan na nakilala q..umaga, tanghali, gabi gusto q kasabay q na sya kumain, madalas my pasalubong ako pag kagaling nya sa byahe..cguro dahil nahulog n ang loob q. eto nanaman si ako..mabilis mahulog ang loob, hanggng ngatapat na nga eto pangatlong lalaki sa buhay q, inoopen q lahat sakanya ang buhay q, pero tinanggap nia lahat lahat, at gusto nia ako daw ang gusto nia mkasama habang buhay,

Nakipaghiwalay aq sa kalive in partner q,at sumama n sa guy n eto.nging maayos pagsasama nmin  sa loob ng 1 taon,19 year old kinasal kmi,suportado lahat ng pamilya nmin bothside, dhil magnda trabho nia,nsa bahay nlng ako,nbibili q n gusto q,nkakatulong n ako sa mga kapatid q sa lola q,sa mga pinsan q,kaya nasvi q nlng nuon salamat po ama.ntapos din paghhrap q,nkaluwag luwag nrin ako kht papano,at the age of 20,ngkaank kmi ,sya ung panganay q,si ANGEL..via caesarian session.walang pagbabago ok ang buhay nim hanggang sa mg 3 taon ang anak nmin..dto n yata mgsisimula nnmn ang paghhrap q,isang arw nlng ng swelduhan wala naipadala asawaq ,walang tawag o text at hndi rin umuuwi ,sa maynila sya ngta trbaho at kmi sa laguna lng,hndi q sya makontak dlwa araw,pangtatlo araw tumawag sya,iba number ang gamit nawala daw walet nia,at cellphone,naintindahan q..ayos n ulit..naulit nnman ng madals ,ska q lng nlaman na nalululong na pala sya sa pag susugal...halos wala n syang naipapadla kada sweldo.kaya halos lahat na ipundar na ibenta na.,isang taon ngng gnun sitwasyon nmin magasawa,umabot n sa punto nangungutang n kmi sa tindahan,nagdodoble doble na hndi nbbyaran hanggang sa ayaw n kmi pautangin...gutom,at khhyan inabot nmin nuon,kaya ngpasya n ako mkipaghiwalay,kht maskit pero ginawa q.,nangako aq nuon sa anak q d q hahayaan na lumaki sya n walang pamilya,pero muli nabigo nn ako..ngsumikap ako,ngtrabaho,muli lola q prin ang tinakbuhan q para mag alaga sa anak q...ok n ako kuntento n ako ng gnun set up,..masya n ako n kmi nlng ng anak q,...

        Isang araw inimvite ako ng friend q mg join sa isang group ng dating site,haha kaloka sbi q kung mag aasawa ulit ako sisiguraduhin ko americano  n target q,pero wala akp mgiatuhan,or d match ang personality nmin,ng online akp one time my message ako sa inbox q sa dating site n sinalihan q,mensahe mula sa isang pinoy din katulad q,pero i snab it kc nga gusto ko foreigner,dlawa,tatlo beses xa ng message d q prin pinapansin,pero pang apat nireplyan q na,untill ngkapalagayn kmi ng loob,we exchange cellphone numbers and we get textmate ,callmate evry minute,second...untill we decide to eyeball,meet up hahaha,mabait sya,maalaga,and he said mahal n daw nia ako,..i dont believed  na totoo sinasabi nia base on my experience dalang dala na ako..so pinakiramdaman q lng sya.tuloy tuloy lng meet up nmin,text call walang ngbabago..sabi q eto nnmn sa una lng yan,tska d p palagay loob q saknya kc mas matanda sya skin almost 10 years gap pero d q alam kung bkit isang araw nlng humantong sa ngsasama n kmi sa isang boarding haws,at wapa n ang pag aalinlangan n nramdamn q nuon,masaya kmi palagi  dalwa...but katagalan bgla my tumawag sa phone n n ako ang gumagamit that time,mama pala nia,so ngbagay galang ako at ngapakilala nung una ok pa" ok cge wait lng tatawag ulit ako."sabi ng mama nia.pangalawang tawag ,duon q n nlaman na kasalukuyang buntis ang asawa nia at pang lima n nila anak,bgla ng init ang tenga kp,sunod sunod tumulo luha ko,hndi q alam ssbhin q,d q alam ggwin q,dhil ang alam batayan sa sinabi nia saakin bago kmi mg textmate na hiwalay n sila almost 1 year at 3 lng anak nila.tuloy tuloy ang kwento ng mama nia n kht gusto q magsalita hndi q magawa,pinutol q n ang tawag at d n muli sinagot ang paulit ulit n tawag,kinontak q ang contact number ng asawa nia to know what isa the truth..i text her na ano b totoo..pls tell ,totoo ba sinabi ng mama nia,n buntis ka at still umuuwi prin sya jan sa inyo.?"

she reply."oo totoo un kung anu man sinabi ng mama nia totoo un.,niloloko klng ng asawa q...."palipasan klng nia jan dhul buntis ako at malapit n manganak..nagun alam muna layuan mo na sya para hndi kna lalo masktan""....katunayan kagagaling lng nia dto ngaun,at papunta nmn sya jan sau ngaun..""yaan ang mgareply nia sa text ko, na para ako binuhusan ng isang timbang yelo,ngbgay sya ng palataan ng gamit n totoo n galing sya duon....nghntay ako sa sa lugar kung saan usapan nmin hhntayin q sya.dumating sya pero wala ako kaimik imik kht isa ,hndi nia alam n nkausap q n asawa at mama nia,pagdating sa bahay n inuupahan nmin.duon q lahat sinabi sakanya n my galit at pag sisisi dhil heto nnmn ako,ngdudusa nnmn ng dhil sa pag ibig...nkikipaghiwalay na ako,ayoko na,ng imapke n ako.dhil ayoko mkasira ng pamilya,ang sakit pkinggan "PLIPASAN LANG AKO,DAHIL BUNTIS ASAWA NIA"and di q matanggap,kaya pilit ako nkikipaghiwalay.,pero ayaw nia,kinalma nia ako at sinabi lahat ng totoo,na walang alam ang mama nia sa ngyayari sa buhay nia o takbo ng relasyon nila mg asawa,nuon pla na matagal n sya nkpighiwalay ng malamn nia buntis asawa nia dhil alam nia sa sarili nia mula sa sa pang apat at ang dinadala nia ay hndi saknya ,,i mean hndi sya ang ama.,,i said kubg talaga totoo sinasabi mo,mamili ka,pagharapin mo kmi dlawa,..kinabukasan ginawa nia yun pumunta kmi sa bahay kung saan nkatira ang asawa nia at mga anak nya,.that time naliwanagan ako n ngawa nia lng magsinungaling dhul mahal n mahal nina ako,takot daw sya mawala ako pag ngsabi sya totoo.,dhil mangyayari nmn talaga yun kung ngkataon,..nalinaw ang gabing yun ng aming apaghaharap,na hndi nia n kmi guguluhin pa,..so heto hanggang ngaun ,going strongger ang pagsasama nmin dlwa,i always thak god that he gave me a man like him..how lucky i am,that i meet some one like him..medyo seloso oo..pero ok lng...nalagpasan nmin ang 5 yeara n pagsasama n kht my mga problema at pagsubok,kht ano paman yan alam ko makakayanan nmin dlawa...masay at kuntento ako sa anu mang buhay nmin ngaun ,linggo libggo pumapasyal saamin ang papa ko,bumabawi sa mga panahon at oras n nawala nuon..kaya ang pjnag huhugutan q ng lakas ng loob at tibay ng kaisipan is ung mga pinagdaanan q nuon sa buhay na ayoko n maulit pa..isa sa pinagpapasalamat q sa panginoon ay ung binigyan nya ako ng isang tao na hnding hndi ako iiwan,nagun kasundo q n ang mga anak nia,mama nya at tanggap n nila ako.patuloy lng ang buhay wag susuko,ang tibay ng damdamin n pinamana saakin ng lola ko,sa pagpapalki nia saamin mgkakapatid,lubos ang pasasalamat q dahil hndi nia kmi sinukuan,anu man buhay ang meron ako ngaun pinag papasalamt q yun saknya...isa lang ang g moto q .."DONT GIVE UP"...


YURIE"

No comments:

Post a Comment