Ang
kahirapan ay hindi hadlang para ang isang tao ay magtagumpay. Nasa sipag,
tiyaga at pagsumikap para maging matagumpay ka sa ano mang larangan ang iyong
tinatahak. Tawagin nyo nalang po akong George. Kung kahirapan ang pag-uusapan,
sigurodong panalo na ang pamilya ko nyan. Ipinanganak ako sa isang pamilyang
magsasaka at may bahay lamang. Pero kahit lumaking mahirap, hindi naman
nagkulang sa pagmamahal ang aking mga magulang. Pinalaki nila akong may
pananalig sa Diyos at pati sa aking sarili. Panganay ako sa sampung
magkakapatid. Namatay ang isa kaya siyam nalang kami ngayon. Mahal kami n
gaming mga magulang at nagawa nilang magpakahirap sa sakahan para lang maibigay
sa amin an gaming simpleng pangangailangan. Namuhay kaming payak sa bukid na
malayo sa kabihasnan pero masaya. Napaka simpleng bagay lang ay masaya na kami.
Isa
lang ang laging sinasabi ng aming mga magulang na dapat mag-aral kami ng mabuti
para magagamit namin ito sa hinaharap. Pero ang problema, hanggang high school
lang ang kaya nila dahil wala naman silang kakayahan magpa-aral naming sa
Kolehiyo. Wala kaming sariling lupa, lahat ng lupa na sinasaka ng aking ama ay
hindi sa amin. Binibigyan lang kami ng 50% bawat ani. Lumaki akong nagging
magsasaka din. Habang nag-aaral, sabado’t lingo kasama ko ang aking mga
magulang at kapatid nasa sakahan. Napapansin ko na iba kami sa mga kamag-anak
ko at mga kapitbahay, during weekend libre silang makapaglaro samantalang kami
nasa sakahan pa rin. Sa totoo lang, hindi namin naranasan yong buong araw o kalahating
araw na magkasamang maglaro ng aming mga kaibigan. Pakiramdam namin ay
nakakulang lang kami sa bahay o sa sakahan. Ang ganitong sitwasyon ang nagbigay
sa akin ng motibo na mag-aral at wag pansinin ang kahirapan.
Nag-aral
ako ng mabuti at naging No. 1 naman sa klase nong elementary days. Itinuloy ko
ang aking high school sa bayan. Kailangan kong magboard dahil hindi pwede umuwi
araw-araw kasi napakalayo ang barangay naming sa bayan. Nong una, nanibago pa
ako kaya gabi-gabi, lagi akong naiyak kasi na missed ko mga magulang at kapatid
ko. Hindi ako nakatiis, huminto ako sa pag-aaral matapos ang first year dahil
wala akong kasama papunta at pauwi sa bayan. Isa pa lagi akong binu-bully sa
bayan dahil nga taga bukid kami. Hinintay kung magtapos ang aking kapatid yong
sumunod sa akin para may kasama na ako. After 2 years, nagtapos ng elementarya
ang kapatid ko. Sa pasokan dalawa na kaming nag-aral sa bayan. Second year ako
samantalang first year naman ang kapatid ko. Yong mga dati kong klasmeyt ay
fourth year na sila, pero dahil wala naman akong closed sa kanila kaya parang
wala lang, isa pa malayo ang building namin sa kanila kaya para wala lang.
After
3 years natapos ko na rin ang aking high school. Pero bago paman ako magtapos,
sinabihan na ako ng aking mga magulang na hanggang high school lang ang kaya
nila akong paaralin kasi meron pa akong mga kapatid na gusting mag-aral din ng
elementary at high school. Mahirap lang kasi kami kaya hindi na nila kaya
suportahan ako dahil malaki na ang gastusin sa college. Ilang gabi din na di
ako makatulog ng maayos, naghahanap ng paraan para makapag patuloy sa pag-aaral
sa college. Hanggang merong dumating na offer para sa scholarship ng isang
kilalang government own university. Hindi ako nag-atubiling sunggaban ang opportunity
na yon. Lumuwas kami sa syudad kasama ang siyam naming kaklase para mag take ng
examination. After 3 months dumating ang results at isa ako sa limang pumasa.
Malaki pasasalamat ko kasi baka ito na yong paraan para makapagtapos ako ng
college.
Malaki
ang problema ko kahit pasado na ako kasi malayo yon sa amin at saan ako kukuha
ng panggastos ko habang nag-aaral. Sagot ng university ang tuition fee ko at
meron akong monthly stipend na sakto lang sa pagkain at bahay. Eh paano yong
mga daily needs ko bukod doon sa nabanggit ko na. Nag-iisip na naman ako ng
paraan pano ma solusyonan. Buti nalang merong kapatid ang aking ina na nakarita
doon ay kinausap ko na doon ako tumuloy habang nag-aaral. Pumayag ito kasi ay
yon na nga ang nangyari. Solve na ang mga problema ko at 100% na akong
mag-aaral ng college.
Dumating
na ang pasukan at maaga akong bumiyahe papunta doon sa lugar ng ANTIE ko kasi
kailangan ko pang e enroll ang sarili ko. Hindi ko akalain na aabot pala ng
isang lingo bago matapos ang enrollment ko. Muntik na din akong sumuko,
pababalik-balik araw-araw at ang haba ng pila. Biruin nyo naman more than 5,000
ang bagong mga salta sa university na iyon kaya pahirapan sa pila at naliligaw
kappa dahil sa laki ng school campus at magkahiwalay ang mga building.
Pinapangaralan ako ng aking antie na wag sumuko at ituloy kasi nandon na ako at
naumpisahan ko na ang steps ng aking pagtatagumpay. Natapos din ang lahat at
handa na akong pumasok sa college.
Hindi
biro ang hirap na pinagdadaanan ko habang nasa kolehiyo. Hindi rin ako
nagtatagal doon sa antie ko kasi, nagkaproblema ang pamilya nila dahil nahuli
ng antie ko ang akiing tito na nagbabae. Kaya para makapag concentrate ako sa
pag-aaral, umalis ako at nagboarding house nalang. Doon na ako nahihirapan kasi
kulang na yong budget ko at hindi na kasya ang allowance na binigay ng school
sa akin. Nong time na nag college ako, hindi ako humingi sa mga magulang ko ng
suporta kasi marami din akong kapatid na pinapaaral nila ng elementary at high
school. Nag focus lang ako sa pag-aaral at naging stranger sa iba lalo na sa
mga bisyo na dapat mag enjoy din ako kasama mga klasmeyt at mga bagong kilalang
kaibigan. Hindi mabilang ang gabi na, tumulo ang luha ko habang nasa kama,
nag-iisip saan ako kukuha ng budget para sa mga projects at minsan para sa mga
pagkain. Hindi ako na tinag sa kahirapan at dumating din ang araw ng aking
pagtatapos.
Bago
paman ang graduation namin, pinatawag kaming tatlo ng aking klasmeyt sa aming
Dean para sa isang importanting bagay, ipapadala kami sa malayong lugar para
mag OJT. Tatlo kaming inihatid ng aming school coaster upang doon mag ojt. Sa
hindi inaasahan, libre pala ang pagkain namin doon at meron pa kaming 2,500 na
allowance every month hanggang matapos naming ang 750 working hours na required
ng aming skwelahan. Masaya kaming tatlo kasi kami lang ang merong ganun
previlige sa aming lahat na magtatapos.
Natapos
namin ang 750 working hours at umuwi na kami sa school para ihanda ang mga
kulang upang ga-graduate na kami. Doon ko nalaman na meron pala akong isang
subject nong first year ako na INC, pero na comply ko na yon kasi lang hindi
pinasa n gaming professor ang grado ko kaya hinagilap ko pa. Nong mga time na
iyon, wala na sya sa school namin. Malaki na naman problema ko noon, mas pa
nong tinawagan ako ng manager ng company kung saan ako nag ojt na hinihintay
nya ang pagbabalik ko kasi hired na ako para sa isang supervisory position.
Mangiyakngiyak na akong hagilapin ang professor ko, pero nahanap ko rin.
Kinakabahan ako nong nagpraktis kami sa graduation baka hindi matawag ang
pangalan ko na makasama sa magpraktis. Buti nalang isa ako sa natawag out of
more than 2500 na magtatapos. Para akong nabunotan ng tinik sa panahong yon.
Five
days after graduation, tumungo na agad ako doon sa kompanya ng pinag-ojthan ko
noon para magsimulang magtrabaho. Nag-umpisa agad ako pagkatapos kong
makarating para sa 15 hours trip ng bus. Masaya ang unang trabaho lalo na’t
kakilala ko na ang mga kasamahan ko pati ang mga superior ko. Pero yong sahod ko
hindi ko na na-enjoy dahil pinapadala ko lahat sa kapatid ko na nag-aaral na
rin sa kolehiyo. Sunod-sunod kung pinapaaral mga kapatid ko sa college at high
school, kahit hindi ako 100% suportado ng mga magulang ko nong college ako pero
hindi ko kinalimutan mga pangako ko sa kanila na kung makapagtapos na ako at
makapagtrabaho, ako ang magpapa-aral ng aking mga kapatid. Wala akong sama ng
loob sa mga magulang ko, bagkos mahal na mahal ko sila. Naintindihan ko naman
kung bakit kailangan kung maghirap dahil wala kaming sapat na kakayahan dahil
mahirap lang ang pamilya naming.
Sa
lahat na pinapaaral ko, ni isa walang nakapagtapos. Ito’y dahil iba ang
mentality nila. Ayaw nilang mahirapan sa pag-aaral hndi tulad ko na hindi ko
pinapansin ang kahirapan na pinagdaanan ko habang nag-aaral. Mas pinili pa
nilang mag-asawa nalang kay sa mag-aral. Disappointed ako pero kailangan kong
tanggapin na mayron kaming kanya-kanyang pananaw sa buhay at hindi pwedeng
diktahan ko sila kung anong gusto nila.
After
6 years of working, nag resigned ako sa trabaho dahil wala ng gusting mag-aral
sa mga kapatid. Ang natira nalang yong elementary pero sinagot nan g mga
magulang ko. Nagliwaliw ako tapos non, kasi meron akong naipon kunti at yon
ginamit ko maliit na negosyo. Maganda ang takbo, at bumalik ako sa pag-aaral.
Kumuha ako ng business course. Nasa shop ako pag araw hanggang 4pm. 5pm
mag-umpisa ang aking klase. Nag-enjoy ako sa business, sa school at sa mga
hobby ko na walang iniisip kundi ang sarili ko lang.
Nong
nasa 3rd year na ako, dumating ang isang malaking pagsubok. Namatay
ang mama ko sa stroke. Hindi ako handa sa time na iyon. Dahil marami pa akong
plano para sa aming lahat at hindi ko pa naibigay sa kanila ng mga kapatid ko
ang magandang buhay. Para makabawi, binigyan ko ng magandang burol ang aking
ina. Hindi pa ako nakontento, yong 7 days ginawa ko pang 14 days na lamay.
Hindi ko rin inaakala na ganun pala kalaki ang gastos pagpakain ng mga
nanlalamay sa ganun katagal pero baliwala na sa akin. Hanggang nailibing na at
pinilit kong bumalik sa normal ang buhay ko kahit masakit pa sa kalooban ko.
Doon ko rin napapansin na naubos na pala ang ipon ko at pati negosyo ko ay
apektado.
Bininta
ko kung ano yong mga nabili ko para makabangon ang negosyo ko pero sadyang
kulang pa din. Kaya ang matagal ko ng inaayawan, ngayon no choice na ako kundi
gagawin ito. Matagal na kasi akong inuudyokan ng mga kakilala ko na mag-abroad
pero hindi ako pumayag dahil natatakot ako at ayaw kong mawala sa piling ng
pamilya ko. Pero nong time na yon, yon lang tanging paraan para makabangon.
Kaya
nagdesisyon akong umalis sa lugar na iyon na naging tahanan ko na rin for more
than 11 years. Naiyak ako nong time na pasakay na ako ng bus na pakiramdam ko,
hindi na ako titira doon pagkatapos ng masayang karanasan ko kasama mga barkada
at mga kakilala, hindi tulad doon sa lugar na pinanggalingan ko dati nong
kabataan ko na puro hirap ang naranasan ko. Lumuwas ako ng maynila at nag-apply
ng trabaho abroad. Dahil kapos na rin sa mga panahong yon, medyo hirap ang
buhay ko sa maynila. Umabot din ng 2 months bago nakahanap ng employer para sa
Saudi Arabia.
Umalis
ako sa Pilipinas na baon ko ang aking mga pangarap para sa sarili ko at pati sa
pamilya ko. Hindi ko inaasahan na mapunta ako sa isang 5 star hotel na buong
akala ko ay ordinaryong hotel lang. I started from scratch, alam nyo kung
bakit? Dahil hindi ako graduate ng HRM. Malayo sa field ko ang hospitality
industry. Dahil sa aking lakas ng loob, pinasok ko ito kahit nagtraining lang
ako ng isang lingo at lahat na kaalaman ko ay nakuha ko nalang sa internet at
mga libro. Sadyang malakas ang loob ko at handa akong harapin ano pamang mga
hamon ang masasalubong ko.
Malamang ito’y dahil sanay na ako sa hirap ng buhay dati. Umabot ang isang taon, ginawaran ako ng isang magandang award galling sa hotel na yon. Nakuha ko yong Employees of the month na magkasabay sa isa pang award na tinatawag nilang Chairman’s Club award. Bihira ang mga pagkakataong iyon na makuha ng isang employee lalo na’t more than 400 employees kami sa hotel na yon at composed of 14 nationalities. Sumikat din ako saglit at nakilala sa bawat department lalo na sa mga department heads. Nakatanggap ako ng cash at ang asawa ko naman dito sa Pilipinas pinadalhan ng magandang sulat galing sa hotel at sinabi doon na maganda ang performance ko sa kanila kung kaya ginawaran ako ng certificate of award. Pero hindi ko alam na meron palang ganun na natanggap ang asawa ko. Na surprise nalang ako nong umuwi ako.
Malamang ito’y dahil sanay na ako sa hirap ng buhay dati. Umabot ang isang taon, ginawaran ako ng isang magandang award galling sa hotel na yon. Nakuha ko yong Employees of the month na magkasabay sa isa pang award na tinatawag nilang Chairman’s Club award. Bihira ang mga pagkakataong iyon na makuha ng isang employee lalo na’t more than 400 employees kami sa hotel na yon at composed of 14 nationalities. Sumikat din ako saglit at nakilala sa bawat department lalo na sa mga department heads. Nakatanggap ako ng cash at ang asawa ko naman dito sa Pilipinas pinadalhan ng magandang sulat galing sa hotel at sinabi doon na maganda ang performance ko sa kanila kung kaya ginawaran ako ng certificate of award. Pero hindi ko alam na meron palang ganun na natanggap ang asawa ko. Na surprise nalang ako nong umuwi ako.
Dahil
wala pa akong anak nong umalis ako abroad, para saan pa’t magtatagal ako sa
trabaho at mamuhay ng marangya kung wala naming silbi ang pagiging tatay ko.
Nag desisyon akong umuwi at mag resigned sa trabaho kahit napakaganda ng
position ko sa hotel. More than 10 times akong pinatawag ng akong manager at
pinakausap sa superiors naming para lang pigilan ako na wag umalis. Dahil
siguro sa magandang performance ko sa kanila kaya, ayaw nila akong mawala.
Kahit papaano, sabi nila isa akong asset sa hotel. Pero wala ng makakapigil sa
akin, kahit ang last na kumausap sa akin ay ang OWNERS REPRESENTATIVE na kalahi
din ng may-ari ng hotel. Buo na ang loob kong umuwi upang makasama ko ang asawa
ko at makagawa na kami ng magiging anak ko.
Buwan
palang tapos kung umuwi buntis na ang asawa ko. Dahil meron na rin kaming
negosyo, doon nalang ako nakatambay at ako na nag manage dahil naka bed rest
ang asawa ko for 9 months. Kahit hindi naman masilan ang pagbubuntis nya.
Sinisiguro ko yon para walang mangyayari sa anak ko. After 9 months lumabas ang
anak ko at pagkaraan ng ilang buwan hito na naman. Another opportunity comes,
sa hindi inaasahang pangyayari. Habang hawak ko ang 6 months old na anak ko,
merong tumawag na agency. Nagpaalam ito sa akin na ipapadala nila sa Saudi
Arabia ang CV ko, kasi may isang company na naghahanap ng katulad ko. Walang
pag-alinlangan sinagot ko sya, sige kayo bahala. Pero nong time na yon wala na
akong plano bumalik ng Saudi Arabia dahil nag-enjoy na ako sa aking anak at
meron na rin kaming maliit na negosyo na kaya na naming mabuhay kahit simple
lang.
Isang
rason kung bakid ayaw ko na rin bumalik ng Saudi ay dahil sinabi ko na sa mga
kasamahan ko sa hotel dati na ayaw ko na ng mahigpit na bansa hindi ka
nakakainom. 2 weeks pagkatapos non, tumawag uli yong agency at sinabi sa akin
na pasado ako at expect anytime that week, tatawag sakin ang isang foreigner
para sa phone interview. Wala din sa isip ko, sinabi ko lang din sa tumawag na
OK. Kinabukasan ng hapon, tumawag may tumawag nga. Simple lang ang tanong nya
sakin “bakit raw ako umalis doon sa hotel na pinagtatrabahoan ko dati”. Sagot
ko sa kanya, dahil wala akong anak pa noon kaya naisipan kung umalis. Sinabi
nya sa akin, bago daw sya tumawag sakin, tinawagan nya ang hotel na
pinagtatrabahoan ko at nakuha nya ang magandang records ko doon, kaya accepted
na ako para maging part ng kanyang team.
Pinapapunta nya ako agad sa agency para maasikaso ang mga kailangang document. Dahil wala sa isip ko na aalis ng bansa, hinayaan ko lang. Agusto first week yong unang tawag ng agency, tapos 2nd week yong tumawag sakin na foreigner pero natapos ang August at September, hindi ako pumunta ng agency. Tawag ng tawag din ang agency sakin pero minsan ni-reject ko tawag nila. Hanggang October, nangungulit pa rin sila. Binigyan ako ng dalawang lingo para mag desisyon. Kataposan ng October, tumawag sila matapos kong pag-isipang mabuti kung ano ba ang magiging desisyon ko.
Pinapapunta nya ako agad sa agency para maasikaso ang mga kailangang document. Dahil wala sa isip ko na aalis ng bansa, hinayaan ko lang. Agusto first week yong unang tawag ng agency, tapos 2nd week yong tumawag sakin na foreigner pero natapos ang August at September, hindi ako pumunta ng agency. Tawag ng tawag din ang agency sakin pero minsan ni-reject ko tawag nila. Hanggang October, nangungulit pa rin sila. Binigyan ako ng dalawang lingo para mag desisyon. Kataposan ng October, tumawag sila matapos kong pag-isipang mabuti kung ano ba ang magiging desisyon ko.
Mahaba
ang pangungulit nila sa akin, at hindi ko pinaghirapang aplayan ang trabahon
ibibigay nila. Kung hindi para sa akin, dapat sa loob ng mahigit dalawang
buwan, nakahanap na sila ng kapalit sa akin pero ito sila tuloy ang
pangungulit. Kaya nag decide ako na ang trabahong ito ay para sa akin. Lumuwas
ako sa maynila uli para mag medical at i-submit lahat na documents na kailangan
nila. Agad akong pinaalis kasi matagal na akong hinihintay. Buong akala ko
ordinaryong hotel lang din ang babagsakan ko sa Saudi pero iba ang aura nong
taong sumalubong sa akin sa airport. Mabait at magaling mag English. Habang nasa
daan, pinag-usapan naming ang company na pupuntahan naming. Sabi pa nya, hidi
daw hotel ang pupuntahan koi sang bahay lang daw. Akala ko maliit na bahay lang
pero na surprise ako nong tumapat kami sa isang napakataas na bakod at may
magagandang mamahaling punong kahoy na nakapaligid. Bumukas ang isang
napakalaking gate at pagpasok ng kotse sa loob, bumulaga sa akin ang isang
napakalaking bahay at ang ganda ng paligid. Later ko na nalalaman sa mga kapwa
pinoy na Palasyo yon ng isang billionaire na kapatid ng Prime Minister sa
Lebanon.
Pagpasok
ko sa kwarto ko, napaisip ako bakit pinaghihintay ko sila kung alam ko lang
ganun kagara ang distination ko. Ang kwarto ko para nasa loob ako ng hotel na
pinagtatrabahoan ko dati. Kinabukasan nag report ako sa taong tumawag sa akin
nong nasa Pilipinas pa ako, yong nagphone interview sa akin. Unang pasok ko
palang sa office nya, ang tinanong nya agad sa akin “gaano katagal ang maaari
mong mamalagi sa bahay na ito?” pambihirang tanong yon para sa akin. Tapos
sinabihan pa nya ako, 5 years from now, kung nandito kapa –mayaman kana.
Bukod
sa magandang opportunity na magtrabaho sa palasyo, Malaki din ang sahod ko sa
kanila at nong nakita ko pa ito sa aking job order hindi ako makapaniwala.
Inaasahan ko talaga na mababago ito pagdating ko pero totoo pa yon. Kaya tama
yong sinabi nya na yayaman ako pag tumagal ako. Napaka galante ang supply ng
pagkain at pati kagamitan. Libre kami lahat, mula wifi, personal hygiene,
pagkain at bawat kwarto may weekly supply na pagkain kung sakaling nagugutom ka
na wala pa ang pagkain na inihahatid ng catering services or kung gabi
nagugutom ka, you are free to eat kahit ano. Pati supply sa paglalaba libre
din. Wala ka ng iisipin bilhin kung pang araw-araw na pangangailangan ang
pag-uusapan. Bukod sa malaking sahod, makakaipon ka dahil wala kanang dapat
bilhin pa, maliban nalang sa mga pasalubong mo pauwi sa Pilipinas.
Pinakilala
na din ako sa mag-asawang amo ko at napakabait nila. Sa kanila lang ako
nakakaranas na, walang utos na hindi magsisimula sa PLEASE at magtatapos sa
THANK YOU. Doon ko naiisip na buti pa yong sobrang yaman na hindi pa
nakakalimutan ang salitang yon kay sa yong mga alanganing mayaman, kung
makaasta akala mo sila na may-ari ng buhay mo. Namangha ako sa laki na bahay at
kung ano ang meron sa loob. Napakaganda ng trabaho ko doon kasi tatlong oras
lang tapos na kaming lahat. Kailangan lang matapos ang paglilinis ng palasyo
bago magising ang Lalaki, ayaw nya na may nagtatrabaho sa paligid nya kung saan
sya nakatambay. Pag natapos na ang trabaho, doon na kami tatambay sa STAFF
LOUNGE, pwede kang matutulog doon, manood ng smart TV na 70 inches ang laki ng
screen, pwede ka rin maglaro ng PSP, may nilagay na PSP 4 at mag enjoy sa
social media dahil sa lakas ng wifi. Doon kayo mag-aantay ng mga request kung
sakaling kailangan nila ng tulong. Minsan kasi maraming bisita, doon mag
ge-gym, manood ng sine at maligo sa dalawang swimming pool. Tapos gamitin
lilinisin uli ang mga kalat ng mga bisita.
Bukod
sa ganong trabaho, ang pinakagusto naming lahat ay isang buwan na walang
trabaho pero tuloy ang sweldo. Dalawang buwan mamalagi ang pamilya sa palasyo,
tapos ng dalawang buwan, isang buwan silang mawawala dahil magbabakasyon sila
sa London, France, at sa iba pang bansa ng Europe. Kaming naiiwan, walang
magawa kundi magbabad sa tv, internet at matulog. Ang pagkain tuloy walang
putol ang supply every week.
Napakaganda
ng buhay ko doon at nakakaipon, pero hindi natapos sa ganun dahil isa na naming
hamon ang dumating. Yong anak ko sa Pilipinas, halos every 2 months ay nasa
ospital. Hindi na ako makakatulog ng maayos at minsan kung may trabaho hindi
rin ako makapagtrabaho na matino. Although yearly ang binigay na bakasyon sa
akin, hindi pa rin ito sapat para makasama ko ang aking anak at asawa sa loob
ng 35 days lang samantalang mawawala ako ng isang taon. Napakasakit sa
kalooban, habang paalis kana yong anak mo na 2 years old palang, hinahawakan
ang paa mo kasi ayaw ka nyang paalisin na iyak ng iyak. Madudurog ang puso mo
kung ginawa ng anak mo yon, at yon ang naransan ko nong huli kong pag-uwi.
Inisip ko non na hindi ako magtatagal sa abroad dahil kailangan ako ng aking
anak. At yong palagi nyang pabalik-balik sa ospital, isang signed yon na
kailangan ko ng umuwi.
Nagpaalam
ako sa aking mga kasamahan na uuwi na ako pero sila mismo ayaw kaya gumawa ako
ng resignation letter para sa manager ko pero naka address pa yon sa butler ng
aking among lalaki. Pero hindit ito binasa at tinapon sa basurahan. Pinakausap
ako sa aking pinaka closed na kasama sa trabaho na pigilan ako. Kinausap nila
ako at pinilit na pigilan pero hindi ako nagpapigil. Gumawa uli ako ng isang
resignation letter, pinasa ko uli sa butler. Tinanggap na niya pero binigyan
ako ng dalawang linggo para makapag-isip pero buo na desisyo ko kaya pagkatapos
ng dalawang linggo, tuloy pa rin ang desisyon ko. Pinadala na sa managers
office ang aking resignation at pinatawag ako. Pilit ng manager na pigilan ako
at may habol pa syang tanong sakin “mula nong dumating ka ditto, anong mga
bagay na pinapangako ng company na hindi mo pa natanggap?” sagot ko sa kanya
“sir lahat ng bagay nakuha ko at solve na ako doon.
Napakalaging
tulong ang ginawa ng company sakin at kahit papano nagbago ng kunti ang buhay
ko dahil sa company na ito”. Totoo naman talaga na binigay na ng company ang
pangangailangan ko at ng pamilya ko pero hindi sapat yon para maibsan ang
missed ko sa kanila. Binigyan uli ako ng another 2 weeks para sa final
desisyon. Sakto din nong patapos na ang 2 weeks na ospital na naman ang anak ko.
Kaya yon na ang pinakamabigat na rason para bibitawan na nila ako. Sa huling
pag-uusap naming ng manager ko, sabi nya “kayang kung pigilan ang kahit anong
rason mo wag lang pamilya dahil may pamilya din ako at pareho tayong ibang
bansa kaya hindi kita pwede harangin”.
Binigyan
nila agad ako ng schedule sa flight na sasakyan ko pauwi. Binigay nila lahat na
obligasyon nila sa akin. Malaki din ang nakuha ko at nakakapamili ako ng mga
gamit at kasama na mga gadget. Dagdag rito binigyan din nila ako ng farewell
party na hindi ko makakalimotan. Napakasaya ng naranasan ko sa palasyo nong
time na nandon ako hanggang ngayon baon ko pa rin ang magandang experience ko
sa kanila. Kahit saan man ako magpunta baon koi to at ipinagmalaki ko rin ito
sa sarili ko.
Lahat
na masayang experience ko ay nangyari dahil sa pagsusumukap ko simula pa nong
kabataan ko. Ang future mo ay hindi hawak ng iba, ikaw pa rin ang gagawa ng
maganda mong daanan sa hinaharap. Kailangan mo lang ay ang sipag, tiyaha at handang
humarap sa mga challenges na nasa harapan mo kahit gaano pa kahirap ito. Ngayon, namumuhay kaming hindi masyadong
masagana pero maginhawa at masaya. Magkasama lagi at laging masaya kahit paman
maraming mga problema. Wala na rin ang sakit ng anak ko, na nahanap ko rin ng solution.
Minsan iniisip ko nalang, paano kaya kung hindi ako umuwi, siguro nandon pa rin
ako pero ang pera ko mauubos lang din sa ospital. Iba pa rin ang tatay
pagdating sa lahat ng diskarte sa buhay. Lumalaki na rin ang negosyo ko sa
tulong ng aking pagsusumikap. Sa ngayon, kung ano yong kinita ko sa ibang
bansa, kinita ko na rin dito na kasama ko pa ang pamilya ko.
No comments:
Post a Comment