Pamilya, Sandigan Ko - BUHAY NG TAO

Wednesday, January 24, 2018

Pamilya, Sandigan Ko

Yung totoo?Hindi ko po talaga alam kung paano uumpisahan ang kwento ng aking buhay...ang alam ko lang nararapat lng na aking ibahagi ang lahat ng ito sa pagnanais n ito ay kapulutan ng aral ng aking kapwa..
Ipinanganak akong broken family,hindi ko alam ang totoong dahilan ng pagkasira ng aming pamilya,ang natatandaan ko lamang ay nakulong ang aming ama sa mahabang panahon kasalanan hindi niya ginawa.

Kaya kaming mgkakapatid lumaki sa aming lolo at lola na mgulang ng aking ina.
Sa isang malaking tahanan,binubuo ng 11 n magkakapatid ang aking ina,doon kung saan ako namulat sa hirap ng buhay,nakikitira lamang kami at kailangan makisama,at dahil sa 3 kaming mgkakapatid,hindi kinaya ni mama ang pagpapalaki saamin ng solo kung kayat naghahanap kaming magkakapatid ng paraan upang kami ay makapag aral.tuwing sabado at linggo nag aalaga ako ng mga pinsan kong maliliit pa,yung iba ay tinuturuan ko sa mga takdang-aralin nila sa eskwelahan upang matugunan ang aking pambaon sa eskwela.

Madalas kapos talaga,hindi naman maaaring huminto,kaya't sa eskwela naghahanap ako ng mga kamag-aral na hindi nakakagawa ng projects,tulad ng book report at iba pa,ako na gumagawa at binabayaran nila ako.yun ang idinadagdag ko sa aking pambaon.
Sa labas ng aming tahanan,nagtitinda naman kami ng mga ulam at meryenda upang sumapat sa aming gastusin at pangangailangan.

Sa awa ng Poong Maykapal at sa aming pagtutulungan bilang isang pamilya,ako at ang mga kapatid ko ay nakatapos naman ng pag aaral,nakapagtrabaho ng maayos hanggang sa nagkaroon  kami ng sariling mga pamilya.
Apat ang aking naging supling,1 lalaki at 3 babae,itinataguyod naming mag asawa sa malinis at tuwid na pamamaraan.

Ang tanging hangad ko lamang ay huwag danasin ng aking mga anak ang hirap na aking pinagdaanan nung aking kamusmusan,kaya ako at aking kabiyak ay nagsusumikap upang maibigay namin ang lahat ng kanilang pangangailangan.

Minsan akong naging OFW sa Saudi,doon maraming pagsubok ang lalong humamon sa aking pakikipaglaban sa buhay,malungkot,mag-isa lang at mahirap ang trabaho,kaya naman sana ngunit naging malupit ang aking naging amo,kung kaya't ako'y nagpasyang umuwe na at hindi na ako bumalik pa.Ibang iba pa rin kasi sa Pinas,mapagod ka man sa maghapong trabaho,pag uwe mo naman ng bahay kapiling mo na ang iyong pamilya.

Kaya't Itinuro ko sa aking mga anak ang pagbibigay ng pagpapahalaga sa mga bagay na mayroon sila,lalo na sa pamilyang buo na mayroon sila sa ngayon,na hindi ko naranasan nung ako ay bata pa.
Sanay kapulutan niyo po ng aral ang aking kwento..

Ang pagpapahalaga sa ating PAMILYA.ito ang nagpapatibay sa pagkatao ng bawat isa saatin,dahil sa loob ng isang pamilya nahuhubog ang ating mga pagkatao,nararapat lamang na ito ay ating pangalagaan at MAHALIN! 
Maraming Salamat po sa inyong pagbabasa.

No comments:

Post a Comment