Never EVER Give Up! - BUHAY NG TAO

Monday, January 1, 2018

Never EVER Give Up!

Sa mundong ito ay walang perpekto, tanging pangalan lang ng tao ang perfecto. Kaya, we can expect na marami tayong pagkakamali bago paman natin makamit ang inaasam na tagumpay. Marami ang natatakot magkakamali, ayaw nilang subukan ang isang bagay dahil natatakot silang magkakamali at baka pagtatawanan ng mga kakilala at kaibigan nito. Tama ba talaga ang ganung pananaw sa buhay?

Para sa akin, normal lang na magkakamali. Paano mo malalaman kung ito ay mali kung hindi mo ito naranasan. Paano mo ma identify ang tama at mali kung hindi ka dumadaan sa napakaraming failure sa iyong buhay? Maraming mga tao na nagtatagumpay na sa ngayon at lahat sila ay nagsasabing pinagdaanan na nila ang hindi na mabibilang na pagkakamali. Hindi importante kung kelan ka nadapa o nagkakamali, ang importante ay kung kelan ka bumangon mula nong ikaw ay nadapa.

Kinakailangan nating magkamali para malasap natin ang sarap ng tagumpay. Ang failures at kasama na sa tagumpay ng isang tao. Ang pagkakamali ay isang lesson to learn para magiging salamin ng mga hindi pa nakakaranas nito. Walang kwenta ang isang tagumpay kung wala kang pinagdadaanan. Paano mo ma inspire ang mga tao kung ang tagumpay mo ay parang nanaginip ka lang, at pagising mo andyan na.

Ang matatagumpay na tao ay dumaan sa halos lahat ng hamon sa buhay pero hindi sila sumuko dahil lagi silang nagkakamali. Oo, sa ngayon maaaring failure ka, pero hindi ibig sabihin non ay magiging failure kana sa lahat ng bagay. Gamitin mo ang mga natutunan mo everytime na bumabangon ka mula sa inyong pagkakadapa, ang mga lesson na yon ay maghahatid sa iyo sa tugatog ng iyong tahumpay.

Masarap ang pakiramdam kapag naabot mo ang isang bagay na pinaghihirapan mo. Halibawa nalang, nagtapos ka ng isang napakahirap na korso sa kolihiyo tulad ng IT, hindi mabilang ang gabi na wala kang tulog, hindi mabilang ang araw na lagi kang late dahil may tinatapos ka pang project? Hindi mabilang ang kainan na pinalampas mo dahil inunan mo pa ang project na kailangan ng ipasa. Di ba, napakahirap sa mga pinagdaanan mo? Ano ang mararamdaman mo kapag oras na ng graduation? Diba pa ra kang nabunutan ng tinik sa paa? Pakiramdam mo you are free from any obstacles at challenges in life? Kadalasan, nga right after sa confirmation nyo bilang graduates, sumisigaw pa tayo at inihahagis natin ang TOGA sa itaas kasi para tayong nanalo ng lotto na hindi naman tayo tumaya pero ang mga hirap na pinagdadaanan natin habang nag-aaral ay patunay na deserving tayo maging masaya despite sa mga failures na pinagdadanan natin nong tayong nasa school pa.

Kailangan lang natin magsumikap para makamit natin ang lahat ng ating minimithi. Kailangan nating mag doble kayod kung kinakailangan para maabot ang mga pangarap. Hindi natin alintana kung anong hirap man ang napagdaanan natin. Magiging FOCUS lang tayo sa ating ginagawa at iisipin ang mga bagay na kahit wala pa o malayo pa, ay naangkin mo na. Be brave, be strong and face the challenge. Who knows, our of your hardship, you will indeed find your success stories.


Hear the inspirational message to the very rich man in China -Jack Ma the founder of Alibaba. 

No comments:

Post a Comment